Paano ma-Approve ang Blog, Website, Youtube sa Google Adsense?

Paano ma-Approve ang Blog, Website, Youtube sa Google Adsense?

This article was published on September 6, 2020, and updated on September 23, 2020.


Paano nga ba ma-Approve sa Adsense? Paano ko mamo-monetize ang aking website/blog/youtube channel? Ano ano nga ba ang dapat at tamang gawain para maaproved ang aking aplikasyon sa Google Adsense?




Ano ang Google AdSense?

Bago tayo mag-umpisa, alamin muna natin kung ano nga ba ang Google AdSense.

Ayon kay Wikipedia, ang Google Adsense ay isang program na pinapatakbo ng American tech giant company na Google, kung saan ang mga may-ari ng websites (website publishers) na konektado sa Google Networks ay maaaring mag-palabas ng mga patalastas sa anyo ng Text, Image, Video, at mga interactive advertisement.

Ang mga patalastas na lumalabas sa ay binabayaran ng mga Advertisers, upang magkaroon ng mas malawak na visibility ang kanilang mga produkto at serbisyo. Bilang isang publisher na aprobado ng google, ang mga patalastas ay lilitaw sa sariling youtube channel, website, o software, (partikular, Android apps), at dito nag-uumpisa ang ating business.

Ang Google Adsense na isang third-party advertising vendor ay ang pinaka-popular at ginagamit ng mas nakararaming publisher. Sa modernong panahon ngayon, ito ay nagbibigay ng hanap-buhay para sa nakararami, at nagsisilbing malawak na oportunidad para sa nakararami.

 

READ: Google AdSense no longer offering Western Union as payment gateway

 

Paano kumita gamit ang Google Adsense?

May tatlong Platform na kailangan mong malaman upang kumita sa Google Adsense. Ito ay ang website, application at Youtube channel.

    1. Website – Kailangan mo ng isang website na mayroong maganda at de-kalidad na content. Maaari itong self hosted kung saan kailangan mong bumili ng domain name, web hosting service, at iba pa. Maari din namang mag-register sa mga free blog hosting site gaya ng WordPress.com at blogger.com. Ang iyong content ay kailangang lumalabas sa mga search engines gaya ng Google.com at mga social media sites gaya ng Facebook at Twitter.
    2. Application – Una, kailangan mong maging isang software developer upang makagawa ng mga apps sa android at ios. Susunod, dapat ito ay available i-download sa Google Play o sa Apple App Store.
    3. Youtube – Kailangan mong maging isang content creator, at mag-upload mga mga orihinal at de-kalidad na video sa iyong Youtube channel.

Ang pinaka-importante ay kailangan mo ng madaming visitors o audience, kung saan, ipapakita natin ang mga patalastas na binayaran ng mga advertisers.

Halimbawa, nag sulat ka ng blog sa isang website na patungkol sa mga sasakyan, at ibat ibang topic na maaaring na katulad nito. Kung nasunod mo ang tamang Search Engine Optimization, ito ay magiging available na sa mga search engines. Hindi magtatagal ay magkakaroon ka ng mga audience na interesado sa mga isinulat mo, at bibisita sa website mo upang magbasa at mag-kumento. Ang mga patalastas ng mga Google advertisers ay lilitaw sa iyong webpage at magiging visible sa mga targetted audience o visitor ng iyong artikulo.

 

Dalawang paraan kung paano kumita sa AdSense

    1. Views – Babayaran ka depende sa dami ng nakakita ng patalastas. Ang kalidad ng pinanggalingan ng mga traffic ay direktang nakaa-apekto sa presyo ng patalastas. Mas malaki ang presyo kung ang traffic ay nanggaling sa Google search, at ang audience ay bago lamang o hindi pa nakakabisita sa iyong website.
    2. Clicks – Babayaran ka sa bawat clicks ng iyong audience. Ang presyo ay nakadepende sa offer ng advertisers. Halimbawa, mas malaki ang binabayad ng mga advertisers na nabebenta ng sasakyan kumpara sa mga nagbebenta ng groceries sa online.

 

Paano ma-approve ang Youtube Channel sa Google AdSense?

Mahalagang matutunan mo ang section na ito upang malaman mo ang mga dapat at hindi dapat gawain sa iyong youtube channel, hindi lang habang naka-pending ang application mo, kundi habang gumagamit ka ng platform na ito.

 

Gumawa ng Youtube Channel

Ang youtube ay isang video sharing platform na ginawa ng tatlong empleyado ng Paypal, na naging available noong February 14, 2005. Ito ay binili ng American based tech giant company na Google LLC., noong October 9, 2006, at naging pinaka tanyag na video platform noon. Ayon sa datos ng Youtube, nakakakuha ang video streaming site ng mahigit sa 30 milyong visitors araw-araw, kung kaya’t isa itong magandang uportunidad para sa mga advertisers.

Upang makagawa ng Youtube channel, kailangan mo ng Google Account. Pumunta sa accounts.google.com at mag-fillup ng mga kailangang detalye.

Paano ma-Approve ang Blog, Website, Youtube sa Google Adsense?

Kailangan mo ng isang valid mobile number upang makatanggap ng verification. Ito din ay maaaring gamitin para sa one-time-pin upang magkaroon ng ikawalang layer ng security ang iyong account.

Kapag nakagawa ka na ng Google account, you can now go to studio.youtube.com, upang i set-up ang iyong Youtube channel.

 

Search Engine Optimization para sa Youtube Channel

Ang S.E.O. o search engine optimization ay ang pinaka epektibong paraan upang makakuha ng organic traffic ang iyong channel. Maraming paraan ang maaari mong gawin upang makita ng mga target mong audience ang iyong mga videos, gaya ng mga sumusunod;

    1. Paid Advertisement – Makikita at mapapanood ng mga targetted audience ang mga videos na in-upload mo sa pamamagitan ng pagbabayad ng patalastas. Hindi ito advisable kung hindi kikita ng halaga na ibabayad mo sa advertisement, lalo na kung ang iyong main source of income ay advertisement din. Halimbawa, kailangan mong magbayad ng P20,000 hanggang P50,000 para sa 10,000 views habang kikita ka naman ng P8,000.00 hanggang P12,000.00 sa kada 10,000 views.
    2. Social Media Marketing – Sa pamamagitan naman ng social media link sharing, maari mong ishare ang link ng iyong youtube video sa mga social media sites gaya ng Facebook, Twitter at iba pa. Kailangan mong gumugol ng napakaraming oras sa pag-gawa ng pages at pangangalap ng followers para sa iyong youtube channel.
    3. Organic Traffic – Ito naman ang pina-ideal gawain kung ang titignan natin ay pang long-term na plano para sa ating youtube channel. Upang maging search engine friendly, kailangan mong gawing accurate ang title ng video, gumamit ng akmang search keyword para sa meta tags, at lagyan ng klarong paliwanag sa description. Kapag napag-aralan mo ang keyword density, at nasunod ang simpleng pamamaraan na nabanggit sa itaas, asahan mo ang mas magandang search visibility ng iyong mga videos.

Followers at Watch-Hours ng Youtube Channel

Sa kasalukuyan, kailangan na makakuha ng 1,000 subscriber ang iyong youtube channel. Sa pag-upload mo ng videos, importante na paalalahanan ang iyong mga manonood na i-like ang video at mag subscribe sa iyong channel.

Base sa aking karanasan, kailangan ding makaipon ng 40,000 watch-hours ang iyong youtube channel. Ibig sabihin nito, kailangang may 40,000 oras na napanood ang publiko mula sa iyong youtube channel.

Halimbawa, mayroon kang limang (5) video at ang average lenght nito ay 30 minutes. Base sa aking kalkulasyon, kailangang may tig 8,000 o higit pang views ang bawat isa sa mga videos mo sa Youtube.

Maraming groups ng mga blogger sa Facebook ang iyong makikita gaya ng “Like for Like, Subscribe for Subscribe” kung saan magkakaroon ng palitan ng like, subscription at comment ang mga member nito. Sa ganitong paraan, mas mabilis na dadami ang iyong subscriber, subalit hindi ko ito ina-advise dahil isa itong uri ng pandaraya.

 

Mag-Upload ng Orihinal na Videos

Ayon sa policies na kasalukuyang pinapairal ng Youtube, ipinagbabawal ang pag-upload ng mga video na may content gaya ng mga sumusunod;

    1. Violent
    2. Dangerous
    3. Hatred
    4. Sensitive
    5. Spam or Deceptive
    6. Illegal
    7. Non-original content
    8. Adult o nude content
    9. Drugs

 

Paano ma-approve ang blog sa Google AdSense?

Sa section na ito, ipapaliwanag ko kung paano maa-approve ang iyong blog sa adsense kung ikaw ay gagawa ng blog sa pamamagitan ng blogger ng libre, o gamit ang iyong sariling website.

Kung gusto mong magsulat ng artikulo at gawin itong live online, kailangan mong i-publish ito gamit ang website. Kailangan mong pumili kung alin sa WordPress o Blogger ang gagamitin mong platform sa pagsusulat ng article, online.

 

Blogger

Ang blogger.com ay isang blog publishing website na ginawa ng Pyra Labs noong 1999 at binili ng Google noong 2003. Sa blogger.com, maaari kang gumawa ng sariling blog gamit ang subdomain ng blogspot.com (halimbawa; frontonet.blogspot.com) ng libre, kung kaya’t hindi mo na kailangang bumili ng sariling domain name (halimbawa: www.frontonet.com).

Gaya ng instruction sa itaas, kung paano gumawa ng youtube channel, upang makagawa ng sarili mong blog sa blogger.com ay kailangan mo din ng google account.

 

WordPress

Ang wordpress ay ang pinaka-kilala at simpleng CMS software na ginagamit upang makagawa ng blogging websites. Ayon sa mga tala, mahigit sa 35% ng mga live websites sa buong mundo ay gawa sa WordPress. Kung nakukulangan ka sa mga kakayahan ng blogger.com dahil sa mga limitasyon nito, malamang na WordPress ang kailangan mo.

 

Ano anong website ang maaaring gawin gamit ang WordPress?

    1. Blog – Gaya ng mga articles, news, magazines, portfolio at marami pang iba.
    2. eCommerce – Maaari kang gumawa ng sarili mong online store gaya ng www.fontaga.com gamit ang maraming eCommerce plugins gaya ng WooCommerce.
    3. Business Pages – Pwede din gamitin ang WordPress para sa mga small, medium at corporate business websites.
    4. Social Networks – Maraming available na plugins para gawing isang online community ang iyong website.

 

Ano ang pinagkaiba ng WordPress.com sa WordPress.org?

Ang WordPress.org o mas kilala sa tawag na self-hosted WordPress ay isang libre at opensource na software, na kailangang i-install sa iyong web server. Ang kagandahan dito, hawak mo ng buong buo ang lahat ng data ng iyong website na maaari mong i-backup at i-download sa kahit anong oras. Dahil self hosted ang iyong website, kailangan mong bumili ng web hosting services, kung saan uupahan mo ang space kung ito ay shared hosting, o ang buong web server. Kailangan mo ding bumili ng sariling domain name at iba pang services para mapatakbo mo ng maayos ang iyong website.

Ang WordPress.com naman ay powered ng WordPress.org software, kung saan kagaya ng blogger.com na maraming limitasyon, ay bibigyan ka ng sarili mong subdomain gaya ng frontonet.wordpress.com. Dahil sa mga limitasyon na ito, hindi natin maaaring lagyan ng Google AdSense ang WordPress.com.

 

Paano gumawa ng website gamit ang WordPress?

Una, para makagawa ng website gamit ang WordPress ay kailangan mong bumili ng web hosting server na nagkakahalaga mula P50.00 hanggang P1,500.00 kada buwan. Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang at kapus sa budget, inirerekomenda ko sayo ang Stellar Shared Hosting ng namecheap.com sa halagang $2.88 o P144.00 kada buwan.

Bumili ng domain name na bagay sa niche ng blog na gusto mong i-publish. Ang domain name ang magiging web address ng iyong website gaya ng www.frontonet.com. Marami kang pag-pipiliang domain name registrar kung saan makakapili ka ng domain name na gusto mo. Pero tandaan natin na malaki ang ginagampanan ng domain name sa SEO kung kaya kailangan na pag-aralang mabuti ang pipiliing web-address para mas madaling maging visible ang iyong website. Kung wala ka pang ideya kung paano pumili ng domain name na aangkop sa niche na gusto mo, inererekomenda ko sayo na bumili sa www.fontaga.com. Sa halagang P499.00 ay makakapili ka ng magagandang domain name mula sa rekomendasyon ng mga eksperto na swak na swak na sa gusto mo, akma pa sa niche ng blog na binabalak mo.

Ang pinaka masalimuot na steps ay ang pag-setup nito. I-point ang domain name sa iyong web hosting server. Hintaying mag propagate iyong setting sa domain name server sa buong mundo na kung minsan ay inaabot ng hanggang 7 araw, dipende sa setup. Kapag nai-point na, i-access ang CPanel at pumunta sa apps/software installer. Ang setup ay magkakaiba dipende sa hosting provider na pinili mo. I-download ang WordPress at i-install. Kapag successful ang installation, maaari ka nang mag-login sa iyong WordPress admin page at mag-umpisa sa full set-up nito.

Kung gusto mong mapa-dali ang pag-gawa ng website gamit ang WordPress, maaari ka din namang bumili ng ready-to-use site mula sa Fontaga. Sa pinakamababang halagang P3,599.00, wala ka nang set-up na kailangang gawain dahil lahat ng idea at gusto mo ay ihahanda na ng mga experto. Kasama na dito ang domain name at lahat ng mga dapat ilagay sa isang website upang mas mapadali ang pagsusulat at pag mamarket nito. Isa pang pinaka magandan sa offer na ito ay mas madali na ang pagpapa-approve ng iyong website sa Google AdSense kung kayat hindi ka na uubos ng mahabang panahon para sa trial and error.

 

Simulan ang Search Engine Optimization

Kung live na ang iyong website at may mga naka post na article dito, kailangan na natin itong palabasin sa mga search engines gaya ng Google at Yahoo.

Kung walang search engine, paano mo kaya mararating ang website na ito para malaman ang mga inaalam mo? Paano mo malalaman na may tutorial na ganito sa website ng frontonet? Huhulaan mo ba ang url ng page na ito? O huhulaan mo din ba at sasabihing, “may tutorial kung paano ma-approve sa Google Adsense sa website ng www.fontaga.com at ang URL nito ay www.fontaga.com/XXXXXXXX”? Dito pumapasok ang search engines.

Ang search engine ay ang website na naglilista ng mga webpages sa buong web. Kagaya ito ng index sa library kung saan nakalista ang lahat ng mga aklat base sa pangangalilangan ng mga naghahanap.

Pero hindi lahat ng webpages ay inililista ng search engine gaya ni Google.com. Committed kasi sila na ibigay sa tao ang karapat dapat na webpages base sa hinahanap nito. Gugustuhin mo nga ba na ibigay ni Google ang website na hindi naman masasagot lahat ng gusto mong malaman? Natural hindi!

Dito pumapasok ang SEO, ang masalimuot na pamamaraan para palitawin ang iyong webpage sa mga search engines. Sundin ang mga payo sa ibaba para maging search engine friendly ang iyong webpages.

    1. Gumawa ng marami at de-kalidad na backlinks – Kailangan mong mag post ng iyong mga link sa ibat ibang website sa pamamagitan ng Guest Posting. Maghahanap ka ng iba pang website owner para ipost ang iyong article sa kanilang website na may link pabalik sayo. Sa ganitong paraan, iisipin ng mga search engines na popular at mapagkakatiwalaan ang iyong website. Mae-establish din ang iyong niche online sa pamamagitan ng maraming backlinks. Halimbawa, kapag sinabing www.frontonet.com, ang agad na iisipin ng mga tao ay isang online publishing site kung saan makakapag post ng article (guest post) ng libre.
    2. I-claim ang social media profiles – Hindi lang ang Google.com ang itinuturing na pinaka malaking search engine sa mundo, narito din ang mga social media sites gaya ng Youtube, Facebook at Twitter. Gumawa ka ng mga profile sa ibat ibang social media sites at ikwento ang mga topic na nais mong malaman nila. Dahan dahan sa pag popost ng mga link dahil hindi maiiwasan na iba-banned nila ang iyong profile o ang mismong website dahil sa pag-aakalang nagi-spam ka.
    3. Pag-aralang mabuti ang iyong keyword – Paano ka nakarating sa webpage na ito? Hindi mo naman siguro hinulaan ang link ng article na ito? Hindi nga ba? Malamang, gumamit ka ng search engine gaya ng Google.com, at nagsearch ka “kung paano maa-approve ang iyong blog sa Google AdSense?” At yan ang isa sa mga keyword ng webpage na ito. Kailangan mong pag-aralan at tuklasin kung ano ano ang mga keyword ng iyong article, at alin dito ang nagdadala ng pinaka-maraming organic traffic.
    4. Mag-focus sa iisang Niche – Dapat mong isipin kung paano makikilala ang brand name ng iyong blog. Dapat ay naka-focus ka lamang sa iisang niche upang ma-established ang pagkakakilala ng mga tao sa iyong brand. Halimbawa nito ay kapag sinabing Finance.Ph ay tungkol sa pamamaraan ng pag-iimpok ng pera at kung paano ito dapat ito gastusin. Sa ganitong paraan, tataas ang iyong domain authority at mae-established sa mga search engine ang iyong brand name at niche. Ang resulta nito ay mapapabilang na ang iyong blog sa mga search result na may kinalaman sa financing at iba pa.

 

Mag-Apply sa Google AdSense

Kung marami-rami nang audience at natatanggap na visitors, ibig sabihin ay gumana ang ginawa mong SEO. Oras na para mag-apply at pa-aprobahan ang iyong website kay Google AdSense.

Pumunta sa adsense.google.com at mag-login kung may Google Account ka na. Maaari ka namang mag register sa accounts.google.com.

Kapag nasa dashboard ka na, hanapin/pumunta sa “Websites” at i-click ang Add website button. Ilagay ang domain name ng iyong website gaya ng www.frontonet.com, i-click ang submit. I-copy ang code na ibibigay ni Google at i-paste ito sa header part ng website mo, kung ikaw ay gumagamit ng WordPress.

Kung ikaw naman ay gumagamit ng blogger.com, pumunta sa dashboard nito at hanapin ang monetization. Kapag nasa monetization ka na, i-click ang apply for monetization at wala ka ng setup na iintindihin, kumpara sa WordPress.

Ang pag-aproba ng iyong website ay tumatagal ng 24 oras hanggang 7 araw, dipende sa dami ng application at sa kalidad ng iyong website. Base sa aking pag-aaral at experience, kapag ang website ay may kalidad, ito ay naa-aprobahan agad habang ang mga website na iilan lang ang artikulo na naka-post, at may mababang kalidad, ay inaabot ng hanggang 7 araw.

Makakatanggap ka ng email notification mula kay Google tungkol sa iyong aplikasyon sa loob ng 7 araw.

 

Pagsasaayos (Troubleshooting)

Dalawang notice lang ang maaari mong matanggap mula sa Google AdSense na maaari mong mabasa mula sa dashboard ng adsense.google.com o mula sa iyong email.

 

Your blog/website/channel is ready to show ads

Kung mabasa mo ito, ibig sabihin ay na-approved na ang iyong application at pwede nang lagyan ng advertisement ang iyong website, blogger, o youtube channel.

Basahin ang tutorial na iton kung paano lagyan ng ads ang iyong blog kung ikaw ay gumagamit ng Blogger, WordPress o Youtube.

 

Your site isn’t ready to show ads

Kung mababasa mo naman ang notice na “There are issues which need fixing before your site is ready to show ads,” ibig sabihin ay may problema ang iyong website o youtube channel na kailangan mong ayusin.

Para sa website, siguraduhin na may maganda, orihinal at de-kalidad na content ang iyong blog. Dapat ito ay naka salin sa lingwahe ng Ingles o Tagalog lamang. Siguraduhing mayroong kang about, contact at privacy policy page. Mas maganda din kung ang iyong website ay visible o lumalabas sa mga search engine, at may natatanggap nang sapat at competitive na traffict mula dito.

Para naman sa Youtube, siguraduhing nakakuha na ng 1,000 subscriber at 40,000 watch-hours ang iyong channel. Hindi maganda para sa iyong channel kung ang video nito ay dati nang naka-upload sa ibang channels, at kasama sa iba pang videos. Dapat din na hindi ito kailan man inere sa isang national television (lalong lalo na sa US Television) maliban na lang kung ikaw mismo ang producer ng video na ito. Importante sa mga advertisers na orihinal at may kalidad ang video na pinapanood ng mga audience dahil dito nakabase ang presyo ng patalastas.

 

Konklusyon

Kung gusto mong higit na matutunan pa kung paano ma-approve ang iyong aplikasyon sa Google AdSense para sa Youtube, at Website gamit ang Blogger o WordPress, maaari mong basahin ang iba pang tutorials, step by step kasama ang madami pang mas advance na techniques at tips. Kung may mga katanungan ka tungkol sa iyong pag-aproba ng iyong AdSense application, mag-leave lang ng comment sa ibaba. Maaari mo din akong i-message gamit ang frontonet account, mag-signup at susubukan kong sagutin ang iyong mga katanungan, at maging personal adviser mo, ng walang binabayaran.

Josh Salcedo
Author: Josh Salcedo

I am Josh, the man behind Frontonet, a Freelancer, Tech-Enthusiast, and Web Developer. I spend my day writing articles, developing & designing websites for me and my client.

2 thoughts on “Paano ma-Approve ang Blog, Website, Youtube sa Google Adsense?

  1. Hi! Can I ask for a help? I have a lot of photos when we are travelling. Now I am a 2nd year tourism student and I want to stand out on my career after graduation by writing blog. I think now is the time na po for me create my blog. Please help cause’ I have no idea where to start. TY so much!!!!!

    1. Hi Katherine. Maybe you should figure out first how would you like to do it. Choose between blog (article) na pwede mong simulan sa ng libre gamit ang blogger.com, or mag video vlog gamit ang youtube, or both.
      Like what you said, if you have a lot of photos, the best thing to do is write an article about your travel experience, tips to wanna bes’ and etcetera. Pwede ka din namang mag video vlog, just be creative on how you present your travel journey especially, sabi mo na you have photo collections. Isipan mo na lang ng madangang paraan kung paano mo mapapagalaw ang photos mo, na para kang nagpe-present sa loob ng class mo.
      Another thing that you need to consider is that, how would you like to monetize it, para while you doing your passion, pwede itong maging self suffient para sayo. Consider affiliate marketing, sponsorship, Google AdSense, pwede din namang parang hobbies mo lang.

Leave a Reply