F.L.A.M.E.S. equals?? (One Shot Story) – Digital Online Store

Share this article
0

“Cha! Ako naman ang sunod!”
“Oh suuure :”> Si Patrick nuh?”
“Uhuh!”

Habang tinatapos ko ang assignment ko sa Calculus, naglalaro naman si Cha ng FLAMES 🙂 Alam nyo
naman siguro kung ano yun dba? If I know, nasubukan nyo na ding laruin yun. AMININ!!! XD

Di ba may iba’t ibang style sa paglaro nun? Yung sa amin kasi eh, hahanapin ang magkaparehang letra sa
pangalang ng dalawang tao, tapos i add mo lang. Tsaka i count kung san babagsak sa letters ng

F.L.A.M.E.S. 🙂

“Good morning class!” nagulat kami sa biglang pagdating ni Ma’am kaya dali dali nagsitayuan ang lahat
na naupo sa sahig habang sinusulat ang report nila sa Manila Paper… at yung iba–

“Excuse me Ma’am!” Napatingin lahat kay Cha nang itaas nya ang kamay nya. “Kukunin ko po muna
ang book ko sa kabilang seksyon!”

Matanda na si Ma’am kaya alam nyo na… madisiplina. Masungit. Mataray. Ay basta! Yung typical na
matandang teacher. 🙂

“Ano ba kayo! Sabi ng bago kayo pumasok sa klase ko, dapat dala na ninyo ang libro nyo! Every
minute counts para sa klase natin tapos babawasan nyo pa!” paalala, este pangangaral nya ulit samin.
=____= Araw araw nalang. Pero pinapalabas nalang namin sa kabilang tenga ang mga ganyan nya.

“Bilisan mo para makapagsimula na tayo” masungit nyang tugon kay Cha nang tignan nya ito.

Nagtatakbo naman agad si Cha. Dapat kasi before 1 minute, andito ka na ulit sa room… kung hindi, dedots
>.< Di sya pwedeng pumasok sa session na yun, at hindi nya magagawa ang mga seatwork na ipagagawa
ni Ma’am. Sayang yung points!!!

“Cha talaga…” pinipigilan ko lang ang tawa ko habang sinusundan ng tingin si Cha sa labas. Dala dala pa
nga nya kasi yung papel na sinulatan ng FLAMES namin ni Patrick :”> Ano kaya kinalabasan nun??? 😀
Patrick. Yan ang pangalan ng 5-year-crush ko. Simula nung grade 6, may gusto na ako sa kanya. Lalo na
ngayon at isa sya sa mga officers ng CAT namin. Actually, sya pa nga ang corp commander.

Masasabi kong sikat sya, pero hindi yung tipong pagkakaguluhan talaga ng mga babae. Di naman kasi uso
ang heart throb dito sa school namin eh. Di uso fans club para sa mga sikat… disiplinado kasi ang mga tao
dito sa school namin 🙂
. . .
. . .

Klase pa din namin ngayon sa Calculus. Nakaharap lang ako sa board habang isinusulat ng isa kong
kaklase ang sagot sa isang number. Board work ika nga 🙂

“An…” Patagong ipinasa sakin ni Gina ang papel na lukot lukot na ang itsura.
Mukhang galing kay…

CHA! HAHAHA! Nasa likod kasi upuan nya eh 🙂 Naka alpahabetical kase kami kaya malayo yung upuan
nya sak–

O________O Nanlaki ang mata ko nang mabasa ang isinulat nya sa papel.

An, sorry. Nawala ko yung papel na sinulatan ko ng FLAMES nyo. Mukhang nahulog nang pumunta ako
kanina sa klasroom nila Josh.

Pero naalala ko pa naman ang sagot. Enemies kayo 🙁

Enemies? 😐

ENEMIES??! T_______________T

Nanlumo naman ako sa nabasa ko.

Siguro nga, dapat itigil ko na pagpapantasya ko sa kanya. FLAMES na nagsabi eh! >.< Pero hindi naman
dahil lang sa Flames kaya napagdesisyunan ko yan. Marami na kasi akong signs na hiningi kay Lord para
malaman kung may gusto din si Patrick sakin… pero wala eh. Ni isa, wala.
-_____-”

Bakit kasi nauso pa yang crush2x na yan?! Ay mali! Bakit pa kasi sya nauso?! Bakit kasi nauso
ang mga tulad nya… (=3=) Wala dapat akong crush eh, kung hindi lang talaga sya nag exist!

“Madrama teh?” natauhan naman ako nang bigla akong barahin ni Gina.

“Di kaya” sagot ko pero napatingin ako sa papel at sa kamay ko na nakahawak sa isang pen
>_____<

ANO TONG PINAGSUSULAT KOOOOOO?!

“Di pala ah?” pang aasar nya sakin habang nakatingin dun sa papel na sinulatan kooo!
=________= Sinulat ko lang naman yung sinasabi ng utak ko.

Grabe! San utak mo An?! Lutang lang teh?

**

“Uuuy! Ok ka lang?” Naglalakad kami ngayon ni Cha dito sa gilid ng open court. Pauwi na kase kami at
magkasabay ulit kami! :))

“Ok laaang! Hehe ^___________^V”

Since malapit na din kaming gumraduate, siguro mas mabuting dahan dahan ko na lang tapusin ang
nararamdaman ko. Chos! HAHAHAHAHAHA! xD

Pero seriously, parang ayoko tsaka di naman kelangan eh! >__< Kasi Crush lang naman yun. Tsaka alam
nyo naman… Crush ang tanging nagpapaligaya saming mga SINGLE 😀 HAHAHAHA!!! Lalo na at SINGLE
din ang crush mo! Bwahahaha xD So pano nalang ako pag di ko na sya crush??

Wala na nga akong lablyf eh! >___< Tas pati crush, wala na din?

“Kadpatakda… KAD!”

As usual, huminto kami saglit at tiningnan ang mga officers na kino-command nya >////////////////< Ang gwapo
nya talaga kahit seryoso sa pag train sa mga officers! Kaya ako lalong nahuhumaling sa kanya eh! Maawtoridad
talaga ang boses nya at yung tindig nya… waaaaaaaaaaahh!!! Mas lalong lumalakas ang appeal
nya!

“Pasalamat ka hindi ice cream yan… di natutunaw kahit ilang oras mong titigan. Hihihi!” narinig kong
pagkakantyaw ni Cha sa tabi ko.

Hehe… Oo nga noh?

Pero bakit ganun?

Parang yung puso ko yung ice cream…

Natutunaw sa twing tinitignan ko sya :”>

CHOS! Joke laaang!

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sila dito mula sa …
likod ng puno! HAHAHAHAHA xD Nagtatago kami kasi baka mapansin nila kami at biglang tawagin >.<

Ayoko ng ganun. Nakakatakot eh!

May CAT kasi kami twing Monday at under kami syempre ng labs kong corp commander Patrick!♥___♥

Pero kahit nakikita ko sya sa subject na yun, hindi lang puro kilig yung nararamdaman ko. Takot din! Ang
seryoso kasi ng mga officers.

Tsaka ano… (=3=) minsan, tinotopak sila! Bigla bigla nalang tatawag ng kung sino at kung anong
ipapagawa.

Kaya kami ganito… todo TAGO! HAHAHAHAHA xD Basta kasi naka uniform sila ng CAT, may authority pa
din sila 🙂

**

Tambay mode kami ngayon xD Andito kami sa isang bench sa labas ng mismong klasroom namin. Dito
kami mahilig magpalipas oras eh. Break pa din naman namin kaya eto, pahinga muna at palipas oras!

“Friday ngayon, san kayo gagala?” tanong ni Nikka habang kinukulot ni Alexis ang buhok nya.

“Mag mall kaya tayo!” suggest naman ni Ellaine habang nakatanaw lang sa open court ng school namin.

“Oo nga! Hanap tayo ng gwapo!” sabat ng kararating lang na si Aya. Kumakain pa sya ng lagay na yan,
pero nagawa pa din nyang sumabat!

“Gwapo na naman?” tanong ko =___________=

“Ampanget naman kung maganda yung hahanapin natin dba? Ano tayo? Tibo?” pambabara nya
sakin!
^_____________________^

At nagsitawanan kaming lahat
nang biglang…

“AN! HUMANAY!”

Napatayo ako agad at naghumanay na. At sakto sa pagharap ko ulit sa kanya, napamura
ako. “Sh*t.” Nabigla kasi ako sa pag command nya! Feeling ko narinig nya yung pagmumura ko kasi
kumunot yung noo nya kaso, hindi nya naman ginawang big deal.

“An… 1+1?” bigla nyang tanong sakin. “SPEAK!”

“SIR, 2, SIR!” sagot ko.
T
umango tango sya at inikutan ako…

FUDGE >_______< Ang lakas ng kabog ng puso ko… Ano bang meron at AKO ang nadiskitahan nyang
ganituhin?!

“An… ” bigla nyang tawag sakin kaya huminga ako ng malalim. Wag naman po sanang kung ano yung
ipagawa nya sakin na nakakahiya!!!

“An …” ulit nya at dun ko lang napansin na nasa harap ko na sya mismo… at ilang pulgada lang ang layo
namin sa isa’t isa.

**sniff sniff

P*cha, para naman akong aso neto eh!

Pero… Shet >////////////////////////////////////< Ang bango nya! Langya!!! Ansarap iuwi neto sa bahay tsaka ihiga sa
kama o kaya gapusin, tapos… amuyin ng amuyin! Di talaga ako magsasawaaaa~

“An?” Eh? (O?o)

Yung mukha nya parang naghihintay ng sagot.

Pero ang tanong, sagot saan?

“Pardon?” bigla kong nasabi… eh di ko naman kasi narinig yung sinabi nya. An lang. >3<

“Are you even listening?” tanong nya.

PATAY >o< So may sinabi talaga sya bago nya inulit ang pagtawag sakin??

“SPEAK!”

Nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw kaya napasagot ako kaagad.

“Sir… no… sir.” mahina kong tugon.

“LOUDER!”

“SIR, NO, SIR!”

Wala na! Turn off na to sakin!!! TT__________TT

Ang malala pa, nagsilabasan ang iba kong classmates at batchmates sa mga room nila para masaksihan
tong … =___= kahihiyan ko.

Bumuntong hininga sya at napatingin pa sa ground.

Sorry naman Patrick… nadala lang ako sa amoy mo! Kaw naman kase eeeeeh! Pwede namang, hindi
lumapit sakin … lumapit pa talaga! Na distract tuloy ako. 🙁

“An… for the second time. Answer me. May gusto ka ba sakin?”
Aaaah yun pala yu–

O////////////////////////////////////////////////O

Hanudaw?!

Naghiwayan yang mga batchmates namin na andito na nanonood sa pinagagagawa ni Patrick sakin
SHET >__< San nya yun nasagap??!

“May gusto ka ba sakin?” ulit nya at sa pagkakataong to, inilapit nya ang mukha nya sakin na dahilan ng
isang malaking….

“Ayieeeeeeeeeeeeeeehh!!!” ng mga batchmates namin.

P*cha! Manahimik kayo! AKO DAPAT UNANG KILIGIN DITO EEEEEEEH! Sakin inilapit ang mukha nya,
hindi sa inyo! -____-” Feeling much lang tong mga to oh!

Tsaka Patrick! Wag mo naman akong gawing kasing pula ng kamatis!!! >///////<

“SAGOT!” >O< Hanuuubaaa! Atat lang eeeh!

“SIR, WALA, SIR!”

Bigla syang napasmirk. Pakshet ~////////////////////~ Ang gwapo nya talaga! Ngayon ko lang talaga sya nakita
ng ganito kalapit, tas nag smirk pa! Eh di naman kasi kami magkaklase. Section A kaya sya tas B lang ako.

Nagkikita lang kami sa twing CAT na klase.

“Sigurado ka?”

“SIR, YES, SIR!” walang tinag kong sagot sa kanya.

“Eh ano to?” May kinuha sya sa bulsa nya pero bago nya tuluyang inilabas, napatingin sya sakin kaya nag
chin up ako ulit.

Ano ba kase yaaaan? >____> Patingin!!!

“Anong ibig sabihin neto?” Bumulaga sa harap ng mukha ko ang maduming papel na mukhang
natapakan na, with OUR NAMES on it.

O.O Yung FLAMES NI CHA!!! Sya pala ang… nakapulot??

“Flames, huh?” ibinaba na nya ito at nakita ko ulit ang pag smirk nya sakin.

“Aaaah–” napakagat labi ako kaagad. Hindi pa pala ako allowed magsalita. >_< Itinaas ko ang kanang
kamay ko… “PERMISSION TO SPEAK SIR!”

Tinitigan nya muna ako bago sinagot “SPEAK!”

“Sir, hindi naman po ako ang may gawa nyan. Kaya di nyo po masasabing may gusto ako sayo dahil
lang dyan, Sir!” Pero may gusto talaga ako sayo, Patrick! >__< Ayoko nga lang aminin… baka pahiyain mo
lang ako.

“Kung wala kang gusto sakin, bakit pangalan ko pa ang ipinares sayo ng kung sino mang gumawa
nito? … Speak!”

Kasi sinabi ko T________T

Hindi ako makasagot. Ano ba namang klaseng palusot ang sasabihin ko aber?

“SPEAK!”

Napalunok ako at hinayaan nalang na ang bibig ko ang gumawa ng paraan.

“Sir, pag may nagsulat nyan tas tayo dalawa ang ipinares, ibig sabihin ba agad, AKO ang may gusto
sa inyo? Hindi ba pwedeng IKAW ang may gusto sakin, Sir?”

>___< WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!!! Ano yung lumabas sa bibig koooo??

Nakita ko syang napaiwas tingin… Waaaaah! Napahiya ko ata sya! Wala na Y___Y Wala na talaga akong
chance sa kanya!

Nag-ingayan naman ang lahat ng nakikinig at nanonood samin dahil sa sinabi ko. Andami kong naririnig at
nakikitang sumang ayon sakin. O_O At may nakikita akong kumakain ng popcorn! Ano to? Movie lang? >.<

“TAHIMIK!” bigla nyang sigaw kaya natahimik ang lahat.

Tumingin sya sakin. Pataaaaaay!!! Ang feeling mo din kase An eh! Ansarap lagyan ng masking tape ng
bibig ko ng di na makapgsalita ng kung ano!

“Humanda sa pamamaalam!”

EH??? Yun na yun?? Nakakapagtaka naman. Usually, marami pa syang pinapagawa sa mga kinocommand
nya. Pero imbes na magreklamo ako, hinintay ko nalang syang magsalita ulit.

“Paalam!” hudyat nya kaya inihakbang ko ng una ang kanang paa ko tapos ay ang kaliwa ko, saka itinaas
ang kanang kamay ko… at tumalikod.

SA WAKAS NATAPOS DIN!!! ^^

“An…” natigil ako nang tawagin nya ako ulit. Inabot nya sakin ang papel sabay sabing,

“Wrong spelling ang pangalan ko dyan. Enemies tuloy ang labas. Marriage dapat yan!”

Nagsitinginan kaming lahat
pero ramdam ko ang lalong pag iinit ng mukha ko O/////////////////////////////O

Ngumiti pa sya sabay tanong…

“Nga pala, pano mo nahulaang… may gusto ako sayo?”

**

FLAMES

Camille An Lopez – 6
Patrick Ricufranca -10
equals MARRIAGE <3

Someday, i know, matutupad ang dakilang FLAMES na yan 🙂 HAHAHAH!!!

**

A/n: Anong masasabi nyo? Ok lang ba? Wala kasi akong assignment ngayon kaya nagawa ko to :))

 


Posted By: Digital Online Store Buy Ebooks Online

Leave a Reply