6 Libreng AntiVirus Para sa Computer Na Dapat Subukan Ngayong 2020

6 Libreng AntiVirus Para sa Computer Na Dapat Subukan Ngayong 2020

Kung kailangan mo ng karagdagang proteksyon sa iyong computer laban sa mapaminsalang malwares, huwag nang mag-aksaya ng oras, dahil sa article na ito, ipapakita ko sa iyo ang 6 libreng AntiVirus na dapat mong subukan ngayong 2020.

 

Mabilis na sagot? Ito ang pinaka-magandang libreng AntiVirus

Ang Avira Antivirus ang pinaka-mahusay na libreng antivirus para sa iyong computer na dapat mong gamitin ngayong 2020. Mayroon na itong kasamang real-time protection at scanner para sa malware, online shopping protection para sa safe na pamimili at transaction online, at libreng Virtual Private Network o VPN.

 

Narito ang buod ng 6 Libreng AntiVirus Para sa Computer

  1. AVG
  2. Avira
  3. Bitdefender
  4. Kaspersky
  5. Panda
  6. Sophos

 

Ano ang AntiVirus?

Ang Antivirus software ay isang programa na ang pangunahing trabaho ay protektahan ang computer laban sa mga malware o malicious software na maaaring makapinsala sa iyong device.

VIRUS DETECTED - FRONTONET

Kapag nakapag-install ka na ng antivirus software, hahanapin nito ang mga malware sa iyong system gaya nang adware, trojans, ransomware, spyware, virus, at worms.

 

Bakit kailangan ng AntiVirus?

Kung ang operating system ng iyong computer ay Windows 8 o 10, hindi mo na kailangan nang antivirus software dahil mayroon na nito ang iyong system.

Ito ay ang Windows Defender, na ginawa mismo ng Microsoft upang mapangalangaan ang mga gumagamit ng kanilang operating system, o O.S.

Ito ay kasama na sa installation operating system kabilang ang Windows 7, 8, 8.1 at 10.

Nakadesenyo ito upang humanap at tanggalin ang kahit anong malware na nasa iyong system nang hindi na nangangailangan ng manual na pag-aasikaso mula sa user nito.

Hindi mo din ito mapapansin habang nagtatrabaho sa background ng iyong system sapagkat nakadesenyo ito sa pagiging magaan upang hindi maabala ang iyong mga activity.

Pero maraming pamamaraan ng proteksyon at features ang wala sa kakayahan ng Windows Defender na available naman sa mga third-party antivirus software. Ang mga third-party antivirus ay makapagbibigay ng karagdagang layer ng security sa iyong system at matapalan ang mga butas, o kakulangan sa seguridad na hindi kayang gampanan ng built in antivirus.

 

Magkano ba ang AntiVirus software?

Kadalasan, ang antivirus software na may basic na proteksyon ay nagkakahalaga ng P1,190.00 kada taon. Ang presyo ay nagkakaiba-iba depende sa brand, package, at presyo ng palitan ng local currency (₱) at dolyar ($).

 

Ano ang 6 na Libreng AntiVirus na dapat subukan ngayong 2020?

Bago ka magbayad para sa antivirus software, basahin mo muna ang mga tips at review sa ibaba upang makapili ka ng pinaka magandang brand ayon sa nakolektang feedback ng mga gumagamit nito.

Narito ang kumpletong listahan ng mga libreng antivirus, kasama ang presyo at mga proteksyon na kasama sa package nito, na dapat mong subukan ngayong 2020.

 

AVG AntiVirus Free

Mayroong real-time protection ang AVG Antivirus Free kung kayat wala nang dapat alalahanin dahil automatic ang detection nito sa mga kahinahinalang activity sa iyong system.

AVG AntiVirus Free - FRONTONET

Maaari mo itong gamitin mo ito ng libre (hindi kailangan ng payment cards) upang pigilan ang mga malwares sa mga ginagawa nito. I-download ang AVG AntiVirus Free dito.

Pros

  • Maganda at epektibo ang virus detection engine kung kayat sigurado na walang makakaligtas na malware sa iyong system.
  • Mayroon itong silent mode detection kung kayat walang pop-up na makakaabala sa mga ginagawa mo.
  • Hindi kailangang bumili ng kahit anong package para magamit ang free nito.

Cons

  • May ibang mga kasamang software sa installer nito.
  • Madaming legit application software ang pinaghihinalaan nito at ita-tag na positive kahit hindi naman kabilang sa malware.

Kung gusto mo ng karagdagang proteksyon gaya ng anti-ransomware, network security, at website protection, subukan mo ang paid version nito na AVG Internet Security, sa halagang ₱159.83 (o $3.29) kada buwan.

Kung ang nais mo naman ay kompletong proteksyon online, subukan mo ang AVG Ultimate. Mayroon na itong kasamang Virtual Private Network at automatic system tune up sa halagang ₱315.31, (o @6.49) kada buwan.

 

Avira

Ang Avira ay kilala sa pagiging lightweight, easy-to-use tools, at reliable na antivirus para sa iyong Android Phone at PCs.

AVIRA ANTIVIRUS - 6 Libreng AntiVirus Para sa Computer Na Dapat Subukan Ngayong 2020 - FRONTONET

Kumpara sa ibang antivirus software, hindi makakaranas ng pag-bagal ng system kapag nagi-scan ng malware ang Avira, kung kayat inirerekomenda na ito ang gamitin kung ang unit mo ay luma na, o hindi pa upgraded.

Maaari mong i-download ang Avira Free antivirus dito.

Pros

  • Dahil lightweight ito, hindi makakaranas ng pagbagal ng system habang nagi-scan ng malware
  • Mabilis ang full system scan
  • Madalas ang updates ng malware detection engine kung kaya sigurado na walang makakalusot na mga bagong virus sa iyong system
  • User-friendly ang interface kaya madaling gamitin

Cons

  • Hindi mataas ang virus detection rate kumpara sa ibang antivirus
  • May mga pop-up na warnings at advertisements
  • May mga pagkakataon na ang unknown o hindi verified na program ay naita-tagged na malware. Upang maiwasan ito, maaari mong i-set sa manual ang permission ng auto delete kapag may malware na na-detect.
  • Maraming user ang nagsabi na dahil lightweight ang app na ito, ay hindi nagiging epektibo laban sa mga malalang virus.

Pwede mo ding subukan ang Avira Antivirus Pro sa halagang ₱144.73 ($2.99) kada buwan.

Kung ang Avira Internet Security naman na nagkakahalaga ng ₱193.13 ($3.99) kada buwan ang susubukan mo, automatic na iuupdate naman nito ang iyong mga components hardwares upang mas maging smooth at hindi vulnerable sa threats ang iyong system.

Mas protektado naman ang iyong privacy kung gagamit ka ng Avira Prime. Sa halagang ₱338.34 ($6.99) kada buwan, magkakaroon ka ng privacy sa iyong online activity dahil may kasama na itong VPN.

 

Bitdefender

Ayon sa mga gumagamit ng Bitdefender, ito ang pinaka user friendly na antivirus sa market sa ngayon.

I-download ang Bitdefender Free Edition antivirus dito at subukan ang 30-day free trial.

Mayroon itong kasamang firewall protection, parental control, password manager, Virtual Private Networks, at webcam protection.

Pros

  • Lightweight kung kayat maaaring gamitin ng mga lumang unit ng hindi makakaranas ng pagbagal sa system.

Cons

  • Hindi kasing epektibo laban sa mga makabagong malware kumpara sa ibang antivirus.

 

Kaspersky

Isa pang libreng AntiVirus software na dapat mong subukan ay ang Kaspersky Free na may 366-day free license na pwede mong i-renew kapag malapit nang ma-expire.

KASPERSKY ANTIVIRUS FRONTONET

I-download ang Kaspersky Free Antivirus dito.

Sa pag-install, mayroon itong option para sa automatic deletion ng mga made-detect nitong kahinahinalang malware o software.

Mayroon din itong available na browser plugin para proteksyunan ang iyong online activity laban sa mga malisyosong website.

Pros

  • Maganda ang performance ng Kaspersky sa pagde-detect ng malware.
  • Mayroon din itong silent detection mode
  • Magaan ang software na ito kaya maari mo itong gamitin ng hindi naaapektuhan ang computer o bumabagal ang performance nito kahit na luma ang iyong system.

Cons

  • Hindi malinaw ang test result kung gagamit ka ng free version kung kayat hindi mo malalaman kung ano-anong klase ng malware ang nadetect nya. Hindi kasi maiiwasan na may mayroong false positive, o yung nai-tagged na malware kahit na parte ito ng isang legit na software.

Sa halagang ₱1,143.78 ($23.63) kada buwan, subukan ang premium version ng Kaspersky Antivirus para sa iyong Windows PC.

 

Panda

 

 

Sophos

 

 

Sana ay nakatulong ang article na ito sa mga tulad mo na naghahanap ng mga libreng antivirus software upang maproteksyunan ang iyong computer laban sa mga malwares. May alam ka pa bang ibang antivirus na libre? O may mga katanungan ka ba tungkol sa mga app na ito? Maaari kang mag-leave ng comment sa ibaba, o sumali sa aming talakayan kasama ang iba pang mga eksperto sa usaping ito.

Josh Salcedo
Author: Josh Salcedo

I am Josh, the man behind Frontonet, a Freelancer, Tech-Enthusiast, and Web Developer. I spend my day writing articles, developing & designing websites for me and my client.

Leave a Reply