Aabot sa 300,000 na customer ng Maynilad, apektado ng water interuption

Share this article
0

Umaangal na ang aabot sa 300,000 na customer ng Maynilad sa nararanasang water interuption.

Ayon sa Maynilad, makakaranas ng paghina o kawalan ng suplay ng tubig sa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Manila, Las Pinas, Cavite at ilan pang mga lugar sa metro manila mula Hunyo 11 hanggang Hunyo 12.

Ito ay dahil sa pagbabalik ng nakumpuni ng rapid mixer na parte ng water treatment plant.

Nakadagdag sa water interuption ang pagbabawas ng supply ng tubig sa Maynilad dahil sa dami ng lumot ng tubig sa Laguna lake na isa din sa mga pinagkukunan ng supply ng tubig ng Maynilad. Ito ay dahil sa dami ng basura at dumi na patuloy na pumapasok at naiipon sa Laguna Lake.

Payo naman ng Maynilad sa mga apektadong customer na magimpok at magtipid sa paggamit ng tubig.

 

About the Author: Citizens Journal Philippines is an independent body which pushes to keeps the free journalism in the Philippines from political biased motives. We hate fake and biased news and we hold the line for press freedom.

 

Leave a Reply