Demokrasya – Sigaw ng mga DU30 Supporters – Mike Opinion

Share this article

Nabasa ko sa isang Pages ng mga supporters ni Duterte ang mga katagang ito

“FB ni Robin Padilla pinasususpinde. Video ni Aga pinaBLOCK. Ngayon naman Pro-DU30-Marcos pages pinatatanggal. Yan ba ang DEMOKRASYA?”

Mejo natawa lang ako sa mga sinasabi nila na Demokrasya?
Eh sino nga ba ang gustong tanggalin ang demokrasya?

Kapag kontra ka, dilawan ka na kaagad
Kapag may napuna ka na di tama, kriminal ka na din dahil kasabwat ka daw nila kuya dilawan
Kapag nagpahayag ka ng opinyon mo na taliwas sa opinyon nila, salot ka na agad sa lipunan
Pinagmumura ng mga trolls nio ang mga taong nagpapahyag ng ibang opinyon nila.
Tinatakot ninyo at pinagbabantaan ang buhay. Ngayon ibabalik ko sa inyo ang mga tanong ninyong nakakatawa; Nasaan ang Demokrasya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.